Dream: the sea, you, old friends

September 21, 2008

I just had a bad dream.

It was a stormy night, i was near the sea. You, me, and some of my old friends.

We went to the beach, there was a pier. Raining hard. Big waves hitting the pier.

Nauuna ka lang sa akin ng konti. Biglang tumalon. Nagdive, feet first, mula sa piyer. Wala kag sinabi. Basta mo lang ginawa. Hinabol kita, ngunit hindi na nakita. Sumigaw ako, wala kang sagot. Lahat ng to nangyari ng may mga malalakas na along humahampas sa mga matitibay na semento ng piyer.

Fast Forward. Umaga na. Ang dmaing tao sa dagat. May sumabay palang lumubog na barko sa di malayong dako ng karagatan. Nasabay kagabi sa lakas ng bagyong tumama sa gilid na ito ng lupain. MAy umiiyak, tumatakbo, miron, mga naghihintay ng tulong.

Sa ulo ko ay may naririning ako, may humihingi ng tulong. Paulit-ulit. Alam ko ikaw yun. Alam ko humihingi ka ng tulong sa akin. Takbo ako ng takbo. Paroo’t parito sa dalampasigan. Umaasa na makikita ka.

May nadaanan akong lifeguard tower. Yung parang sa Baywatch. NAnghingi ako ng tulong. Itinuro ko yung lugar na huli kitang kasama, kung saan ka tumalon.

Sa malayo nakita kita. Nakangiti, nakapalit ng damit. Naka-cap na green. Tinakbo kaagad kita para makita kung ikaw nga. Ikaw nga! Tinawag kita kaso bigla kang tumakbo. Hinabol kita ng hinabol. Hanggang sa macorner kita sa sa isang puno. Sa buong habulan natin, tawa ka ng tawa. Pero ayaw mo namang tumigil.

Nung macorner na kita, napahinto ang pagtawa mo. Napalitan ng lungkot. You  had a very sad face.

Then, I woke up. It was time to go to the john.

Your sad image made me think. Are you holding back something? Something you really want to tell me? Or ask me?